TY - BOOK AU - Eliserio, U Z., AU - Rodriguez, Rachelle Joy M., AU - Salanga-Torralba, Elyrah L., AU - Torralba, John Enrico C., TI - Malikhaing pagsulat: para sa senior high school SN - 9789719812876 [paperback] PY - 2020/// CY - Quezon City, Philippines PB - C&E Publishing, Inc. KW - Filipino language KW - Creative writing (Filipino) N1 - Includes bibliographical references, glossary, and index; Contents: Yunit 1 Malikhaing pagsulat — Yunit 2 Pagbasa at pagsulat ng tula — Yunit 3 Pagbasa at pagsulat ng kuwento — Yunit 4 Pagbasa at pag-unawa ng dula — Yunit 5 Paggawa ng pinal na proyekto; Adolescence N2 - "Manunulat kaming lahat, sa iba't ibang genre. May makata, may mandudula. May mahilig sa maikling kuwento, may mahilig sa malikhaing sanaysay. Bakit kami nagsusulat? Maraming dahilan. Para pagsilbihan ang bayan. Para ipagtanggol ang mga naaapi. Para kahit papaano'y may madagdag na maganda sa mundo. Para lumikha ng bago. Umibig ka sa manunulat, sabi ng paham, at hindi ka kailanman mamamatay. Styempre pa, aalayan ka niya ng gawa, at hanggang may nagbabasa, may magbabasa ng inalay niyang gawa. Dito nananatiling buhay ang pag-ibig ninyo. Dito, buhay ang mga pangarap mo. Dito, yumayabong ka pa rin. Hangad din namin ang walang hanggan. Para sa babasa ng aklat na ito, katulad din namin kayo noon. Nais naming magpahayag ng sarili, nais naming ilabas ang sama ng loob, nais magpasalamat. Ang dami naming gustong gawin, magpasahanggang ngayon. Huwag mag-alala, magagawa ninyo itong lahat sa pamamagitan ng pagsusulat. Matatanggal ang inyong mga pangamba. Maiibsan ang inyong takot. At maibabahagi ninyo ang inyong kasiyahan. Ito ang kapangyarihan ng panulat. Ang pagbulat ng librong ito ay unang hakbang sa pagpasok sa mundo ng hiwaga. Walang barko, ayon sa Makata, na kukumpara sa isang aklat. Sa panulat, mabubuhay ang pantasya. Sa panulat, masisiwalat ang katotohanan. Nasa pagsusulat ang lahat. Binabati ka namin, kapwa manunulat! Pinakaaabangan naming mabasa ang iyong mga magiging akda." —Paunang Salita ER -